Editorial · Non-Fiction · Opinion

Pagpag {Filipino}

Note: This entry was originally posted on 20 October 2014.


MAY KASABIHAN: UPANG mas mapag-aralang mabuti ang isang usapin o isyu, nararapat na tingnan ito sa magkabilang panig.

Sa unang banda, makikita natin ang bahagyang pagtaas ng ekonomiya ng bansa, unti-unting pag-unlad ng turismo, pagbaba ng bilang ng welga/rally/strike, pagsaaayos ng ilang mga kalsada ng Maynila, at pagdami ng trabaho.

Suriin natin ang kabilang panig. Nariyan ang kabi-kabilang holdapan at iba pang krimen, talamak na kaso laban sa ilang kapulisan, patuloy na pagtaas ng bilihin at lumalalang sitwasyon na may kaugnayan sa korupsyon.

Iyan ang mga kasalukuyang nagaganap sa ating bansa. Kung ikaw naman ang tatanungin,

“Ano nga ba ang hinahangad mo para sa bagong Pilipinas?”

 Kapag pinag-aaralang mabuti ang tanong na ito, malamang isang daang porsyento ng mamamayang Pilipino ang maghahanagad ng kaginhawaan at mabuting pagpapabago para sa ating bayan. Maging kami ay ganito ang nais para sa bansa.

Ngunit sa aming palagay, anuman man ang opinyon sa nasabing isyu ay hindi sapat kung hindi sasamahan ng gawa o aksyon tungo sa pagbabago ng ating bayan.

Marami ang nagnanais na ang krimen sa ating bansa ay bumaba. Sino nga naman ang may kagustuhan na tayo ay lagi na lang nasa Top 10? Rank 1 sa pinakakurakot na bansa sa Asya? Rank 2 sa carnapping? Rank 3 sa drug trafficking? Rank 1 sa may pinakamaraming bisyo?

Marami rin ang nagnanais na patuloy pang umangat ang ating bansa. Pag-angat sa ekonomiya, pag-angat ng kalidad ng edukasyon, pag-angat sa bilang ng mga may trabaho, at kung ano-ano pa mang dapat paangatin. Ngunit bakit ba iba talaga ang umaangat sa ating bansa? Pag-angat sa populasyon, pag-angat sa antas ng kahirapan, pag-angat sa larangan ng krimen.

Gobyerno na naman ba ang may kasalanan nito? O baka tayo ring mga ordinaryong tao? Ano na nga ba ang ating nagawa para sa pagbabago ng ating bansa? Patuloy na nga lang ba tayong maninisi ng iba kung bakit ating bansa ay pagong kung umusad?

Patuloy na lang ba tayong magtuturuan kung sino ba ang talagang may dahilan ng mga ito? Patuloy ka na lang bang uupo at magkikritiko habang wala ka pang nagagawa?

Anuman ang aming opinion sa usaping ito ay balewala lamang kung patuloy pa rin ang mga tao sa pagsisisihan kung ang bagong Pilipinas ay maalin dito ang patutunguhan: PAG-unlad o PAG-lala.

-fin-

(ang artikulong ito ay matatagpuan din sa Hunyo-Nobyembre 2014 isyu ng Ang Batis, ang opisyal na pahayagang Filipino ng Baco National High School)

Advertisements

2 thoughts on “Pagpag {Filipino}

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s