Editorial · Opinion

May Pakialam Ka {Filipino}

Note: This entry was on 26 September 2013.


“MGA UPUANG HIHILAHIN kapag ikaw ay uupo, mga paang ihahara para ikaw ay matalisod. Tatawagin ka sa ibat ibang bansag at kukutyain sa harap ng madla.”

Pamilyar  ka ba sa mga sitwasyong ito? Isa ka ba sa kanila o isa ka sa mga taong nasa likod nito? Maalin man sa dalawa ang iyong sagot laging isipin sa lahat ng kasamaan ay may tuldok din na nagtatapos, ngunit kailan? Kung kailan naghihikaos na at huli na ang lahat? Wag nating hayan na unti-unti tayong patayin ng  salitang BULLY.

Sa pinagtibay na batas ng House Bill 5496 (“Anti-Bullying Act of 2012”) na naglalayong ipaalam sa mga magulang o guardian ang mga epektong hingil sa “bullying” o pananakot ng isang mag aaral ng kapwang mag aaral at kung paano ito mapipigilan. Subalit ano nga ba ang bullying?

Ang bullying ay isang malubha o paulit- ulit na paggamit ng isa o mahigit sa isang tao ng mga pahayag  na nasusulat, berbal o elektroniko, o pamimisikal o pag-amba, o anumang kombinasyon ng mga ito, na nakapuntirya sa ibang tao, na mayroong epektong takot sa sakit na pisikal o emosyonal o pagkasira ng kanyang mga pag-aari.  Epektong maaari din nyang gawin sa iba. At ang pinakamasaklap ay yung dadating ang panahon na pati sariling buhay ay mawaglit sa kanya.

Ayon sa mga mambabatas, “Kapag nasa school na ang bata, pananagutan na ng mga namamahala ng paaralan ang anumang mangyayaring masama sa kanya. Gustong tiyakin ng  panukalang batas na ito na tugunan ng mga paaralan ang problema sa bullying o pananakot at magkaloob sila ng ligtas na kapaligaran para sa kanilang estudyante.”

Nakasaad din dito na lahat ng paaralan, mapapribado man o pampubliko ay inaatasan na magpatupad ng polisiya na anti- bullying at kasama na din ang kanilang student and teacher’s handbook na ipapasa sa Department of Education, ani ni Rep. Mary Mitzi Cajayon (2nd District, Caloocan City), isa sa may-akda ng panukala.

Subalit, paano kung sa labas ng paaralan nangyari ang lahat ng ito? May pakialam pa rin ba ang ahensya ng edukasyon? Mga estudyante lang ba ang maaaring ipagtanggol ng batas na ito? Hindi ba lahat tayo ay nakakaranas at nakakaramdam nito may pinag aralan man o wala? Biktima ka man o hindi, may pakialam ka at apektado ka.

-fin-

(ang artikulong ito ay matatagpuan din sa Hunyo-Nobyembre 2013 ng Ang Batis, ang opisyal na pahayang Filipino ng Baco National High School)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s