Feature · Science and Technology

Isang Sulyap sa Makabagong Mundo {Filipino}

Note: This entry was originally posted on 28 September 2015 and has been reposted on 20 July 2015.


SASAKYANG TUMUTUGON SA iyong utos, aparador na siyang maglilinis ng maruruming damit, video games na isip lamang ang gagamitin para makontrol ang laro, robot na nagsisilbing guro. Gulat ka, ‘no? Itigil na ang pagnganga dahil lahat ng yan ay narito na. Halina’t silipin ang mga bagong imbensyon ng mga siyentistang malikhain at may kaisipang puno ng imahinasyon.

Hindi na kaila sa atin na taun-taon ay parami nang parami ang mga kagulagulantang na may kinalaman sa mga drayber na nalilingat ang tingin sa daan. Huwag nang mabahala. Ilan sa mga sikat na mga car manufacturers ay nag-ungkat ng mga paraan upang lumikha ng musika, komunikasyon, at iba pang applikasyon ng kompyuter sa mga kotse na mas mabilis pang tumugon kaysa mga salitang binibigkas. Isang produkto na naimbento ng Ford Motor Company and Sync, samantala, lumikha naman ang General Motors ng MyLink, at ang iba namang sistema ay perpekto rin ang pagkakaimbento. Gamit ang mga bagong programa, kontrolado ng mga tagamaneho ng sasakyan ang mga pagpapa-init o pagpapalamig ng temperatura sa loob ng sasakyan, paggamit ng telepono, paglalathala ukol sa problemang pangtrapiko, paggamit ng GPS, at pagpapalit ng musika. Lahat ng yan ang magagawa ng hindi umaaalis ang tingin sa daan. Boses lamang ang iyong kailangan at tutugon na ang sasakyan.

Ayon naman sa kaalaman ng lahat, ang mga aparador ay ginagamit lamang umano para paglagyan at pagtaguan ng mga damit. Ngunit ngayon ay nakahanap na ang mga siyentista para mas madami ang maitutulong nito sa atin. Isang designer mula sa Sweden na si Michael Edenius ay nakapagbuo na ng aparador na nagsisilbi ring washing machine. Ito ay nakakapagpabawas sa pagkonsumong tubig. Ang kailangan lamang gawin ay isabit ang mga maruruming damit at ang mga sensor ang susuri ng mga mantsa ng iyong damit. Sa halip na ikaw ang maglilinis ng iyong mga damit, ang iyong damit ang gagawa ng paglilinis.

Naisip mo ba kung gaano kaganda kung wala ka nang gagawin habang naglalaro ng video games? Astig ‘no? Wag mag-isip-isip pa dahil ang Mattel Inc. ay nakapagimbento na ng larong tinatawag na Mindflex. Sa halip na sa iyong mga kamay nakasalalay ang iyong pagkapanalo, ang konsentrasyon ng iyong utak ang dapat pag-igihan mo. Sa Mindflex, kagalingan sa konsentrasyon ng utak ang gamit ng mga manlalaro upang makontrol ang lumulutang na bola at mailampas ito sa iba’t ibang mga obstacles. Wag munang itapon ang mga joystick at game controllers ngunit maging alerto sa mga susunod pang pag-unlad ng mga “mind- controlled games”.

Sa South Korea naman, parami ng parami ang mga kakaibang guro na hindi lamang nagpapatuto sa mga estudyante kundi nagbibigay din ng aliw. Kung pareho tayo ng iniisip ay hindi ka nagkakamali, sila ay mga robot. Oo, robot, na nagtuturo ng Ingles. Mahigit 30,000 guro mula sa ibang bansa ang ine-employ ng South Korea upang magturo ng wikang ito. Ngunit sa halip na humarap sa mga mag-aaral oras-oras para talakayin ito, sila ay nakaupo na lamang at nagmamanipula ng robot na siyang magsisilbing guro sa mga estudyante. Ano sa iyong palagay, maaari na kayang palitan ng mga robot ang ating mga guro balang araw?

Yan ay ilan lamang sa mga inobasyon na dulot sa atin ng pag-unlad ng agham at teknolohiya. Sa paglipas ng mga panahon at sa bawat ikot ng mga kamay ng iyong orasan ay patuloy pang nadidiskubre ang mga bagay na dati’y tila imposible. Salamat sa pagsama sa amin na sulyapan ang ating makabagong mundo. (Co-written with a school paper colleague; facts from Time for Kids Almanac 2014)

-fin-

(featured image content: this article makes it to the p.17 Hunyo-Nobyember 2013 issue of Ang Batis, Ang Opisyal na Pahayagan ng Baco National High School.)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s