Opinion · Random

Nakanino ba Talaga ang Kasalanan kung bakit Walang Kaunlaran? {Filipino}

BAKIT NGA BA tayo hindi umuunlad? Bakit ba ilang daang taon na magmula nang tayo’y lumaya ay wala pa ring pagbabago sa estado ng ating bayan? Bakit hanggang ngayon ay third-world country pa rin ang bansag sa atin? Diba ang daming katanungan? Na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan? Sino ba talaga ang may kasalanan? Ang gobyerno bang makapangyarihan ngunit nag-mamaang-maangan? O mga mamamayan din na hinahayaang magpatuloy ang mga naghahari-harian? Gusto mo ba talagang malaman? Hala, sige magbabasa pa yan. Hahanap at hahanap ng mapagtutuunan. Iyo na bang nalaman? Iyo na bang napag-isipan? Ang isinusulat ko nga bang ito’y anong kapupuntahan? Hanapin pa kung sino ba talagang may kasalanan. Ayan, napaghahalataan. Kaya ang ating bansang walang kaunlaran. Patuloy at patuloy ang lahat sa pagsisisihan. Turo dito, turo doon ng may kasalanan. Sa sarili mo ba’y may nagawa ka na para sa bayan? O nandyan ka lang habang nakaupo’t nagtuturo ng mapagbubuntunan? Hangga’t walang nagsisimulang gumising at magbago para sa Perlas ng Silangan, wala tayong patutunguhan. Pati nga ang simpleng disiplina, di maisakatuparan. Ultimo ang pagiging makabayan. Ikaw ba’y nasaktan? Ako’y walang ispesipikong taong pinapatamaan. Lahat ng ito’y general na usapan.

-fin-

Advertisements

7 thoughts on “Nakanino ba Talaga ang Kasalanan kung bakit Walang Kaunlaran? {Filipino}

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s