Non-Fiction · Opinion · Poetry

ABaKaDa ng Lipunan {Filipino}

Note: Ang tulang ito ay pawang opinyon lamang. Walang ispesipikong tao o anuman ang pinapatamaan. (I’m awkward in Filipino haha)


 A-ng mga bata mayroon pa bang paggalang?

Ba-wat ‘po’ at ‘opo’ yata’y tila mabibilang.

Ka-sama pa ba lagi ang nakagawiang pagrespeto?

Da-la pa rin ba ang aral na tinuro sa inyo?

E-kstraordinaryo ang mga tao;

Ga-nito na ang gobyerno, patuloy pa rin sa pagboto.

Ha-limbawa pa rin nga ba na dapat tularan? O

I-sang ehemplo na ba na kasusuklaman?

La-bindalawang taong gulang, may nobyo’t nobya;

Ma-s madali kaysa edukasyon ang social media.

Na-saan na ang kinagawiang moral?

O-ras na nagdaan yata’y nawala ang pag-aaral.

Pa-bagsak na din naman daw ang ating lipunan

Ra-son ng ating mga mamamayan

Sa-an pa rin ba naman nga mapupunta?

Ta-lamak pa rin ang kurapsyon, bisyo, at droga.

U-unlad pa rin ba ang Perlas ng Silangan?

Wa-la namang mawawala kung ating susubukan.

Ya-kagin na sila, halika, magbago at magising para sa bayan.

-fin-

Advertisements

4 thoughts on “ABaKaDa ng Lipunan {Filipino}

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s